Tumutulong sa mga Australyano na nasa ibayong dagat
Binabalangkas nitong karta ang mga serbisyo at tulong ng konsulado na ibinibigay ng Pamahalaang Australyano. Sa ilang mga kalagayan, ang aming tulong ay maaaring limitado.
Kami ay nagsisikap na
- Mabigyan ng kakayahan ang mga Australyano na matulungan ang kanilang mga sarili habang nasa ibayong dagat.
- Mabisang paghandaan at pangasiwaan ang mga krisis sa ibayong dagat.
- Maghatid ng serbisyo ng-konsulado na nakatuon sa mga Australyanong may pinaka-kailangan ng tulong.
Sino ang maaari naming matulungan
- Mga mamamayang Australyano
- Mga mamamayang Canadian na nasa mga lugar na nakalista sa Iskedyul ng Kasunduan sa Pagbabahagian ng Mga Serbisyong Pangkonsulado ng Canada-Australya
Binibigyan lamang namin ng mga serbisyo ng konsulado ang mga permanenteng mamamayang Australyano kung nasa krisis ang kalagayan sa ibayong dagat. Kabilang dito ang mga paglikas na may tulong-ng-gobyerno kapag ibinibigay sa mga mamamayang Australyano.
Kung ikaw ay isang taong dalawahang pagkamamamayan, matutulungan ka lang namin doon sa pangalawang bansa na mamamayan ka sa mga pambihirang kalagayan.
Layunin namin na
- Harapin ang iyong katanungan nang magalang, daglian at abot-kaya.
- Ipaliwanag nang malinaw kung paano ka namin matutulungan at kung kailan ka dapat lalapit sa iba para sa payo at tulong.
- Kilalanin ang pagkakaiba’t-iba ng kultura at relihiyon ng Australya, kabilang ang mga tradisyon ng Unang Mga Bansang Australyano (First Nations Australians).
- Sabihin sa iyo na kung may sisingiling bayad sa serbisyo na ibibigay namin.
- Protektahan ang anumang personal na impormasyong ibinigay mo sa amin alinsunod sa mga batas ng pagkapribado ng Australya.
- Seryosong tinitingnan ang balikpuna tungkol sa aming ginagawa.
Hinihingi namin sa iyo na
- Personal na panagutan ang mga piniling desisyon sa paglalakbay, ang iyong kaligtasan, mga panalapi at pag-uugali sa ibayong dagat, kabilang ang pagsunod sa mga batas ng bansa na iyong binibisita.
- Sabihin sa amin kung mayroong anumang mga paggalang sa kultura o relihiyon na kailangang alam namin.
- Kumuha ng naaangkop na pambiyahe at pangmedikal na paseguro at maintindihan kung ano angf saklaw at hindi saklaw ng paseguro na iyong binili.
- Sundan ang aming payo sa paglalakbay sa smartraveller.gov.au at ang payo ng mga lokal na awtoridad.
- Protektahan ang iyong pasaporte at iulat kaagad kung ito ay nawala o ninakaw.
- Tratuhin nang may paggalang ang kawani ng konsulado at maging tapat sa pagbibigay sa amin ng lahat ng naaangkop na impormasyon kapag nagpapatulong sa amin.
- Bigyan kami ng balikpuna para matulungan kami na mapahusay ang aming mga serbisyo.
Ang aming pagtulong ay maaaring limitado sa ilang mga kalagayan
Wala kang legal na karapatan para mabigyan ng tulong ng konsulado at hindi mo dapat aakalain na mabibigyan ka ng tulong. Halimbawa, maaari naming limitahan ang pagtulong kung:
hindi legal ang iyong mga aktibidad
sinadya mo o paulit-ulit mong ginawa ang aksyon nang walang pag-iingat at nagpapabaya
inilagay mo ang iyong sarili o ang ibang mga tao sa panganib
ipinakita mo ang paulit-ulit na sistema ng pag-uugali na kinailangan ang maraming beses na tulong pangkonsulado noong nakaaan
Anong tulong ang maaari naming maibigay
Ang bawat kaso ay naiiba at ang aming tulong ay nakadepende sa mga kalagayan at kung may mapagkukunan sa konsulado. Maaaring may kakayahan kaming:
- magbigay ng kapalit na mga pasaporte at dokumentong panglakbay na may singil na bayad
- magbigay ng mga detalye ng mga doktor at ospital ng lugar, kabilang ang suporta sa kalusugang pang-kaisipan kung mayroon, sa kinalalagyan mong lugar
- magbigay ng payo at suporta kung ikaw ay naging biktima ng seryosong pang-aatake, o iba pang krimen, o ikaw ay hinuli, kabilang ang mga detalye ng abogado at interpreter diyan sa lugar.
- bisitahin o tawagan ka para kumustahin ang iyong kapakanan kung ikaw ay hinuli o nakakulong, at gagawin ang aming makakaya para matiyak na ikaw ay tinatrato ng katulad ng ibang mga nakakulong ayon sa batas ng bansa kung saan ka detenido.
- magbigay ng payo at suporta sa hanay ng iba pang mga kaso kabilang ang pagkamatay ng mga kamag-anak sa ibayong dagat, taong nawawala at mga pangkikidnap
- kung pumapayag ka, tatawagan namin ang iyong mga kaibigan o pamilya para sa iyo. Sa ilang mga sitwasyon, maaaring tawagan namin ang iyong mga kaibigan o pamilya kung sakaling hindi mo kami pinayagan
- gumawa ng natatanging mga kaayusan sa mga kasong internasyonal na terorismo, mga sibil na kaguluhan at mga natural na sakuna (maaaring may inilalapat na babayaran)
- magbigay ng ilang mga serbisyo sa notaryo, kabilang ang pagsasaksi at pagpapatunay ng mga dokumento at pangangasiwa ng mga panunumpa at kumpirmasyon (may inilalapat na babayaran)
- sa iba pang mga lugar, magbigay ng mga serbisyo sa pagboto para sa mga halalang pederal o ilang estado ng Australya
Ang hindi namin magagawa
Ang ilang mga gawain ay labas na sa ginagampanang papel ng konsulado. Halimbawa, hindi kami:
- makapag-garantiya ng iyong kaligtasan at seguridad sa ibang bansa o asikasuhin ang iyong mga kaayusan sa paglalakbay
- makapagbigay sa iyo ng legal na pagpapayo, mag-interprete o magsalin-wika ng mga dokumento
- makialam sa mga pinapatakbong mga kaso sa korte ng ibang bansa o mga bagay na legal kabilang ang mga pinagtatalunan sa pamamasukan, pinagtatalunan sa komersyo, mga kasong kriminal at mga bagay na tungkol sa batas pangpamilya o mga pinagtatalunan kung sino ang kukupkop ng anak
- makapag-iimbestiga ng mga krimen o pagkamatay sa ibayong bansa, o magpasimuno ng paghahanap sa nawawalang tao, na siyang mga katungkulan ng mga lokal na awtoridad
- ilabas ka sa kulungan o kaya mahadlangan kang ipatapon (deport)
- ihingi ka nang mas mabuting pagtatrato sa kulungan kumpara sa mga tagaroon na nakakulong
- maglagak ng piyansa o magbayad ng iyong mga multa o mga pang-legal na mga gastos
- ipatupad ang isang Australyano o anumang ibang kasunduan sa pagkupkop sa ibayong dagat o pilitin ang isang bansa na magpasiya sa isang kaso ng pagkukupkop
- magbayad para sa mga serbisyong pangmedikal o sikayatriko o mga gamot
- magbayad ng iyong pension o mga benepisyo sa panlipunang seguridad
- magsaayos ng mga bisa, lisensya, permiso para makatrabaho o manirahan sa ibang mga bansa
- makialam sa imigrasyon, adwana o mga bagay tungkol sa pagkwarentina sa ibang mga bansa
- magtago ng maleta o iba pang mga personal na mga kagamitan
- tumanggap o magpadala ng mga bagay sa koreo para sa iyo
Pagtugon sa krisis
Ang ilang pang-internasyonal na krisis na kinasasangkutan ng mga Australyano sa ibayong dagat ay mangangailangan ng pambihirang pagtugon, katulad ng:
- sa mga pangyayaring maraming mga Australyano ang napatay o napinsala o nahaharap sa matinding panganib, katulad halimbawa, mga pang-aatake ng terorista, mga malaking aksidente, mga pandemic at mga malalaking sakuna na dulot ng kalikasan
- pagliligalig sa politika ng bansa na nagtulak sa aming payuhan kang umalis ng bansa na maaaring kailangan sa pag-alis na may tulong o paglilikas ng mga Australyano kung walang magagamit na pangkomersyal na paraan
- mga kaganapan na magdudulot ng malaking pagkakagambala at kahirapan sa maraming Australyano
- Sa katayuang pang-internasyonal na krisis, magbibigay kami ng suporta sa mga mamamayang Australyano at mga permanenteng residente ng Australya. Depende sa mga nangyayari, maaari din kaming tumulong sa dalawahang pagkamamamayan doon sa kabilang bansa ng pagkamamamayan.
Ang aming pagtulong ay ginagabayan ng maraming mga kunsiderasyon, ngunit maaari kaming:
- magparating ng mga pangkat ng eksperto para suportahan ang mga apektadong Australyano
- makipag-ugnayan sa mga pamilya ng alinmang Australyanong napatay o napinsala
- makipagtulungan sa mga lokal na awtoridad para suportahan ang mga apektadong Australyano
- suportahan ang mga Australyanong nagtatangkang umalis sa lugar at maikonekta sila sa kanilang mga pamilya
- magbigay ng mga payo sa paglalakbay at mga napapanahong balita sa krisis.
Ang maaari mong magawa
Laging may-kaalaman
- Tingnan ang pinakabagong payo sa paglalakbay sa smartraveller.gov.au.
- Magsuskribi para tumanggap ng mga bagong balita at sundan ang Smartraveller sa social media.
- Tingnan ang araw ng pagkapaso ng iyong pasaporte bago ka magbiyahe. Hindi ka patutuluying pumasok ng ilang bansa maliban kung ang iyong pasaporte ay balido pa hanggang anim na buwan magmula sa plano mong pag-alis sa bansang iyon.
- Tanungin sa mga propesyonal ng kalusugan tungkol sa naka-rekomendang mga bakuna at iba pang mga gagawing pag-iingat. Ang mga pagkabakuna ay maaaring kinakailangang bagay para makapasok sa ilang mga bansa.
- Tiyakin na tama ang hawak mong mga visa para sa mga bansang pupuntahan o dadaanan at alamin ang iba pang mga kinakailangan sa pagpasok at paglabas ng bansa.
- Kung may dala-dala kang mga produkto ng parmasyutiko o mga gamot, siguraduhin na ang mga ito ay pinapayagan sa bansang iyong pupuntahan.
- Alamin kung ikaw ay itinuturing na mamamayan ng bansang plano mong puntahan, at kung ang dalawahang pagkamamamayan ay mayroon bang mga implikasyon sa iyong mga planong paglalakbay.
Laging handa
- Bumili ng kumprehensibong paseguro para sa pagbiyahe at medikal. Tiyaking saklaw ka sa mga lugar na iyong pupuntahan, mga gagawin at anumang sakit na taglay mo na o kasalukuyang naggagamot.
- Pag-isipan ang iyong pisikal at pangkaisipan na kalusugan bago magbiyahe at tiyakin na ang iyong mga pagkabakuna ay napapanahon.
- kung ikaw o ang taong kasama mo sa iyong paglalakbay ay kailangan ng suporta sa pangkaisipang kalusugan habang nasa ibayong dagat, basahin ang aming payo tungkol sa paglalakbay at pangkaisipang kalusugan bago pa umalis
- Tiyakin na mayroon kang sapat na mga pera para sa iyong natatanging destinasyon at makapaghugot nang mga pera habang naglalakbay.
- Magpakopya ng iyong pasaporte, mga visa at polisiya ng paseguro at iwanan ang kopya sa taong maiiwan sa bahay.
Yang iyong pagkapribado
Ang personal na impormasyong ibinigay sa Kagawaran ng Mga Gawaing Panlabas at Kalakal {Department of Foreign Affairs and Trade (DFAT)} ay protektado ng batas, kabilang ang Batas ng Pagkapribado ng 1988 (Privacy Act 1988). Ang patakaran ng pagkapribado ng DFAT ay matutunghayan sa dfat.gov.au/privacy.
Maaaring gamitin ng DFAT ang personal na impormasyon para makapagbigay ng tulong ng konsulado. Alinsunod sa Australian Privacy Principle 5, ang Pahayag ng Pangongolekta ng Pagkapribado ng Konsulado ay naglalaman ng impormasyon kung paano kami kumolekta, gumamit, magbahagi at magtago ng personal na impormasyong kaugnay sa mga kaso sa konsulado.
Ang Mga Kopya ng Pahayag (Copies of the Statement) ay makukuha sa online o sa pamamagitan ng paghiling ng kopya mula sa DFAT.
Ang mga media ay natatanging interesado sa mga kaganapang nasasangkot ang mga Australyano sa ibayong dagat mula sa mga krisis hanggang sa mga indibidwal na mga kaso. Dapat malaman ng mga kliyente ng konsulado na maaaring mayroong mga limitadong sitwasyon na pinapatunayan namin sa media ang pagbibigay ng tulong sa iyo o itama at/o ilinaw ang impormasyon tungkol sa klase ng aming pagtulong.
Kumusta na ang aming ginagawa?
Minamabuti namin ang inyong mga komento tungkol sa aming mga serbisyo. Sa magkaparehong positibo at negatibo na balikpuna na nakakatulong sa amin na matukoy ang mga lugar na dapat paghusayin o ang kinakailangang pagbabago ay nauugmang gawin. Ang pagbabahagi ng inyong karanasan ay maaaring makatulong sa iba pang mga Australyano na maiwasan ang mga kahirapan sa ibayong dagat at maintindihan ang antas ng tulong na may kakayahan kaming ibigay.
Makakapagkomento ka tungkol sa aming serbisyo sa pamamagitan ng:
- paggamit ng aming online na porma sa pagkontak
- pagsulati sa amin sa
First Assistant Secretary
Consular and Crisis Management Division
Department of Foreign Affairs and Trade
RG Casey Building
John McEwen Crescent
BARTON ACT 0221
Kung hindi ka nasiyahan sa aming pagtugon, maaari mong kontakin ang Tanggapan ng Ombudsman ng Komonwelt (Commonwealth Ombudsman Office) sa Australya.
Sino ang matatawagan
Makakakuha ng pangemerhensyang tulong ng konsulado 24 oras buong araw sa pamamagitan ng pagtawag sa aming Consular Emergency Centre (CEC) na nasa Canberra sa teleponong:
- 1300 555 135 sa loob ng Australya, o kaya
- +61 2 6261 3305 mula sa alinmang lugar ng buong mundo
Kung ikaw ay nasa ibayong dagat at lampas na sa oras na may-trabaho, matatawagan mo ang Embahada ng Australya (Australian Embassy), High Commission o Konsulado (Consulate) ng bansang iyong binibisita at sundin ang mga sinasabi sa telepono para makakonekta sa CEC.
Makaka-access ka sa kompyuter (online) sa mga address at numero ng telepono ng Mga Embahada ng Australya (Australian Embassies), High Commissions o Mga Konsulado (Consulates) sa smartraveller.gov.au o sa mga lokal na direktoryo ng telepono, mga otel, mga tanggapang pangturismo o mga istasyon ng pulis.
Habang ikaw ay nasa pagbibiyahe
- Bisitahin ang aming website sa smartraveller.gov.au. Palagi naming ina-update ang mga abiso sa paglalakbay.
- Magsuskribi (subscribe) para sa mga update para sa lahat ng iyong mga pupuntahan sa subscription.smartraveller.gov.au/subscribe.
- Mag-Like ka sa amin sa Facebook. Manatiling nakakonekta sa mga taong kahalintulad mo ng pag-iisip sa pamamagitan ng pagsali sa usapan.
- Sundan mo kami sa Twitter. Maging nasa unahan sa pagtanggap ng mga update.
- Sundin ang mga batas ng bansang iyong binibisita kahit na ang mga ito ay parang napakahigpit o hindi parehas kung ikukumpara sa pamantayang Australyano. Huwag kang mag-asam na kakaiba ang pagiging pagtrato sa iyo nang dahil sa ikaw ay isang Australyano.
- Manatiling makipagtawagan sa mga kaibigan at pamilya parang nasa bahay. Ipaalam sa kanila kung ikaw ay hindi makokontak ng matagal-tagal na panahon o kung may binago ka sa iyong itineraryo.
- Ang mga panganib ay tuwinang mas malaki sa ibayong dagat. Maging maingat at huwag susubo sa anumang mga panganib na hindi mo naman ginagawa sa sariling bahay
Kapag nasa krisis
- Subaybayan ang lokal na media at sundin ang mga lokal na awtoridad sa kanilang abiso.
- Manatiling may kontak ka sa pamilya at mga kaibigan para ipaalam sa kanila na ligtas ka.
- Mag-tsek sa iyong mga airlines o ahensya ng pagbiyahe para malaman kung apektado ba ang iyong mga paglipad (flights) o paglilibot (tours).
Dagling sanggunian na panggabay
May grabeng sakit at nangangailangan ng medikal na pangangalaga habang nasa ibayong dagat?
Humanap ng tulong pangmedikal sa mga lokal na doktor o ospital o kaya sa pamamagitan ng iyong otel o tagapamahala ng paglilibot.
Tawagan ang iyong tagapaseguro sa paglalakbay – kalimitan na ang mga kompanya ng travel insurance ay mayroong call centre na nakabukas ng 24-oras at makapagbibigay ng payo sa pangangasiwa ng iyong sakit/pinsala at mga detalye ng mga pasilidad na pangmedikal sa lugar ng iyong kinaroroonan.
Tawagan ang pinakamalapit na Australian Embassy, High Commission o Consulate at sundin ang mga ipinagagawa sa telepono.
Kung hindi mo matawagan ang pinakamalapit na Embassy, High Commission o Consulate, tawagan ang Consular Emergency Centre (CEC) sa Canberra sa telepono:
- 1300 555 135 or
- +61 2 6261 3305 mula sa ibayong dagat
Naging biktima ng sekswal na pang-aatake o seryosong krimen habang nasa ibayong dagat?
Tawagan ang pinakamalapit na Australian Embassy, High Commission o Consulate at sundin ang mga ipinagagawa sa telepono.
IKung hindi mo matawagan ang pinakamalapit na Embassy, High Commission o Consulate, tawagan ang Consular Emergency Centre (CEC) sa Canberra sa telepono:
- 1300 555 135 o kaya
- +61 2 6261 3305 from overseas
Gagawin ng CEC ang pagtawag sa pinakamalapit na Australian Embassy, High Commission o Consulate para matulungan ka.
Pinagnakawan o kailangan ng pera habang nasa ibayong dagat?
Sa kasong pinagnakawan, tawagan ang iyong tagapaseguro sa paglalakbay. Kakailanganin ka ng tagapagseguro ng paglalakbay na iulat ang pagkawala sa lokal na pulisya at kumuha ng isang police report.
Tawagan ang pamilya at mga kaibigan at maghanap nang magagamit na pangkomersyal na serbisyo sa pagpapalipat ng pera o nang isang bangko para magpalipat ng pera.
Arestado sa ibayong dagat?
Tawagan ang pinakamalapit na Australian Embassy, High Commission o Consulate, na itanim sa isip na may mga limitasyon sa kung ano ang magagawa ng kawani sa konsulado.
Hindi ka namin mailalabas sa kulungan/detensyon o mabibigyan ng legal na payo, ngunit makapagbibigay kami ng hanay na impormasyon kabilang ang mga detalye ng matatawagang mga lokal na abogado. Gagawin namin ang aming makakaya para matiyak na ikaw ay tatratuhin alinsunod sa lokal na batas at proseso.
May taong nawawala sa ibayong dagat?
Tawagan ang kanilang telepono, mag-email sa kanila at hanaping makipagkontak sa pamamagitan ng social media.
Tawagan ang mga kapamilya at mga kaibigay at alamin ang kanilang mga nakaraang address, mga bangko, mga ahente sa paglalakbay, airlines/mga kompanya sa paglilibot o mga taga-empleyo.
Kung hindi ito matagumpay at may mga dahilan para mag-aalala, tawagan ang iyong lokal na pulisya para mag-ulat ng isang nawawalang tao bago tumawag sa Consular Emergency Centre (CEC) sa Canberra sa telepono 1300 555 135 o +61 2 6261 3305 mula sa ibayong dagat.
Habang ang lahat ng pag-iingat ay ginawa sa paghahanda nitong polyeto, wala ninuman sa Pamahalaang Australya o mga ahente nito o empleyado, kabilang ang sinumang miyembro ng kawani ng pang-diplomatiko at konsulado ng Australya sa ibayong dagat ang tatanggap ng pananagutan sa anumang pinsala, pagkawala o pagkasira nang dahil sa naging pahayag dito sa nilalaman ng polyetong ito.
Consular and Crisis Management Division
Department of Foreign Affairs and Trade RG Casey Building
John McEwen Crescent
BARTON ACT 0221
Telepono. (02) 6261 3305; 1300 555 135
Makukuha ang impormasyon at mga pag-aabiso para sa mga pagbibiyahe mula sa Smartraveller na website smartraveller.gov.au ng Department of Foreign Affairs and Trade.